Connect
To Top

Alden to Maine: “sagutin mo na ako ng matamis mong OO”

Totoo pala ang sinasabi nila
Na ang mga magagandang bagay
ay darating sa tamang tao, sa tamang pagkakataon
Walang labis, walang kulang
at makakamtan sa tamang panahon

Tama sila, tinamaan na yata ako
Di ko akalain na sa unang pagpansin
Na sa unang pagtingin
Ako’y mahuhumaling
Kilig! Kilig nga ba?
Pero bakit iba ang nadarama
ng dibdib kong may pagtataka?

Naiiba ka
At maaaring hindi lahat ay nasa iyo
Pero sinisiguro ko na sa iyo lang ang pusong ito

Paulit ulit nila kong tinatanong,
“Siya ba talaga? Totohanan na ba?”
At sa mga di ko pagsagot
Marami silang paniwala at panghuhusga
Pero balewala lamang sa akin ang mga yon
Pagkat sa akin ikaw lang ang mahalaga

Noon takot ako
Takot ako sa maraming bagay
Sa mga akalakong limitasyon ng aking buhay
Pero ng ika’y nakilala nawala ang aking pangamba
Bagkus napalitan ng ligaya

CONTINUE READING…

Pages: 1 2 3 4

You must be logged in to post a comment Login

More in News