Connect
To Top

John Lloyd Cruz magiging ‘Kapuso’ na nga ba?

Marami ang nagtatanong at marami din ang naiintriga kung ang aktor na si John Lloyd Cruz ay magiging isang Kapuso na nga ba? Pagkatapos ng pagka-anunsyo na siya pumirma na ng kontrata sa Crown Artist Management (CAM) na pinangungunahan ni Maja Salvador, ay naging usap-usapan na kung kailang ang pababalik ng magaling na aktorr.

Sa isang post ng GMANetwork sa kanilang Instagram account ay makikitang kasama ni John Lloyd ang Wowowin TV host na si Willie Revillame at Direk Edgar ‘Bobot’ Mortiz’, kaya umugong ang balitang magiging Kapuso na nga ba si John Lloyd.

Marami na ang nasasabik na makitang umaarte muli si John Lloyd sa TV at sa pelikula – kaya sa Kapuso man siya o sa Kapamilya pa siya lumabas, o kaya sa GMA Films pa o sa Star Cinema pa sya gumawa ng pelikula, ang importante ay bumalik na ang gwapong si John Lloyd.

Sa Instagram ay ito ang kasamang caption ng photo:

“Nagkita sina #Wowowin host Willie Revillame, Direk Bobot Mortiz, at ang aktor na si John Lloyd Cruz… At mukhang may dapat abangan soon!”

(Photo source: Instagram -@gmanetwork)

You must be logged in to post a comment Login

More in News