Connect
To Top

Paolo Contis, Betong, Buboy at Alexa Miro mga bagong host daw ng Eat Bulaga?

Totoo kaya ang balitang may mga bagong napiling host na ang TAPE Inc., na ipapalit kina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon sa Eat Bulaga?

Matatandaang umalis na ang TVJ sa Eat Bulaga noong May 31, 2023 dahil hindi sila pinayagang umere ng live sa hindi pa maintindihang dahilan.

Ipinahayag ng TAPE, Inc. sa kanilang official statement na ipagpaptuloy nila ang pagbibigay ng kasiyahan tuwing katanghalian sa pmamagitan ng bagong show.

Ayon sa artikulo ni Jun Lalin para sa Abante, ay nag-rehearse na daw ang mga bagong host na sina Paolo Contis, Betong, Buboy Villar at Alexa Miro para sa paglunsad ng bagong show.

Si Alexa Miro ay dating taga ‘Tropang LOL’ at girlfriend ng presidential son na si Congressman Sandro Marcos.

Idinagdag pa sa balita na maaring makasali din si Kuya Kim sa bagong Eat Bulaga nguni’t tuwing Sabado lamang ito makakapag-host dahil sa kanyang mga commitments.

(Photo source: Instagram – @paolo.contis)

You must be logged in to post a comment Login

More in News