Connect
To Top

‘DABARKADS’ ba ang bagong title ng TVJ noontime show?

Usap-usapan sa lahat ng sulok ng showbiz industry kung ano ang magiging titulo ng bagong noontime show nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.

Matatandaang umalis ang tatlong haligi ng noontime shows ng bansa sa TAPE, Inc.

Kasabay dito ay nagpaalam na din ang iba pang host ng Eat Bulaga na sina Maine Mendoza, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, Ryza Mae at Allan K.

Sa pag-alis ng TVJ sa TAPE, Inc. ay nanatili ang katanungan kung sino ngayon ang nagma-mayari ng pangalang Eat Bulaga?

May mga balitang itutuloy ng TAPE, Inc. ang noontime show sa GMA7 at kasabay dito ay may balita ding mag-sisimula na ang TVJ ng kanilang sariling noontime show.

Sino nga kaya may karapatang gumamit ng Eat Bulaga? At totoo kayang DABARKADS ang gagamiting titulo ng TVJ sa kanilang bagong noontime show? Abangan.

(Photo source: Instagram – @eatbulaga1979)

You must be logged in to post a comment Login

More in News