Connect
To Top

Angel Locsin inalok si Neri at Chito Miranda ng matitirhan dahil sa Taal

Ibinahagi ni Chito Miranda kung ano tunay na ugali ni Angel Locsin – kung gaano ito kabait at kung anong klaseng kaibigan siya.

Madalas nating nababalitaan ang kanyang pagtulong sa mga taong nabiktima ng mga sakuna at kamakailan nga lamang ay nagkaroon pa siya ng sarili niyang project para mabigyan ng mga grocery items ang mga naapektuhan ng COVID.

Sa balitang nagiging aktibo ang Taal ay naalala ni Angel ang kanyang mga kaibigang sina Neri at Chito Miranda at inalok ni Angel ang mag-asawa pati na ang mga kasamahan nila na manirahan sa kanila.

Ipinakita ni Chito ang naging usapan nila at sinabing:

“Napakabait lang talaga nitong tao na ‘to. Mula dati, hanggang ngayon…sobra talaga.❤”

Sumagot naman si Angel at sinabing: “Bored ka tsong???😂 lol nakatutok na mga camera tapos diretso kanta ka na sa kumu lol”

Marami ang pumuri sa alok na ginawa ni Angel at sinabing si Angel talaga ang ‘Darna’ sa totoong buhay.

(Photo source: Instagram – @therealangellocsin)

You must be logged in to post a comment Login

More in News