Connect
To Top

Jason Abalos at Vickie Rushton magpapakasal na nga ba?

Marami ang nalungkot nang malaman na hindi na makakasali ang former Pinoy Big Brother housemate na si Vickie Rushton sa mga beauty pageants dahil lagpas na ito sa allowable age. Ilan na rin ang nasalihan ni Vickie nguni’t bigo itong makuha ang pinaka-mataas na korona.

Sa isang online press conference para sa ‘Silab’ ay nahingan ng opinyon ang aktor na si Jason Abalos na kasintahan ni Vickie patungkol sa retirement ni Vickie sa mga beauty pageants.

“Siguro nasa ano na kami ni Vickie eh, matagal na kong naghihintay na matapos si Vickie sa pagpa-pageant. Tingin ko ayon na yon e. Sabi ko, tama na yan, hindi ka na pwede, tayo naman.'” sabi ni Jason.

“Kasi hinayaan ko siya talagang lumarga, gawin niya lahat ng gusto niya habang dalaga pa siya, so ngayon siguro panahon na para bumuo ng pamilya.” dagdag ni Jason.

Tanong ng mga netizens ngayon ay kung malapit na bang ikasal sina Jason at Vickie?

(Photo source: Instagram – @thejasonabalos)

You must be logged in to post a comment Login

More in News