Connect
To Top

Robin Padilla hindi naniniwalang may lalaking makakatanggi sa tukso

Tahasang sinabi ni Robin Padilla na hindi siya naniniwalang may lalaking makakatanggi sa tukso sa panahon ngayon, Sinabi ito ni Robin sa interview sa kanya ni Ogie Diaz.

Ang sinabi ni Robin ay may kinalaman sa paghihiwalay ng kanyang anak na si Kylie Padilla sa asawa nitong si Aljur Abrenica. Ayon kay Robin ay 3rd party ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

“Sa panahon ngayon, huwag tayong maglokohan. Hindi ako naniniwala na merong lalaki na makakatanggi sa tukso.” sabi ni Robin.

Idinagdag ni Robin na sinabi niya kay Kylie na lalaki si Aljur at magpasalamat siya at lalaki ito nguni’t sinabi daw ni Kylie sa kanya na hindi niya kaya ang ginawa ni Aljur.

(Photo source: Instagram – @robinhoodpadilla)

You must be logged in to post a comment Login

More in News