Connect
To Top

Veteran actress Gina Pareño sikat na sikat na sa Tiktok

Halos maluha ang beteranang aktress na si Gina Pareño dahil pa din siya nakakalimutan ng mga netizens. Naging panauhin si Gina sa Eat Bulaga Bawal ang Judgemental segment na kung saan ang paksa nila ay ang ‘Lola Tiktoker.’

Si Gina ay mayroon ng mahigit 1 million followers at umaabot na din sa hight 9 milion likes ang kanyang mga videos.”

“Nalulungkot ako, e, di dinadaos ko yung pag-arte ko ng ganu’n. Nasisiyahan ako kasi nakakaarte ako at saka gusto ko yung sine-share ko yung nalalaan ko. At saka nawawala yung lungkot ko sa pag-arte, nakakaraos ako,” pahayag ni Gina na nakakapag-upload nga ng mga TikTok video sa tulong na rin ng kanyang pamangkin.” sabi ni Gina.

“Araw-araw kami nagpo-post. Kaya ang aking kwarto, ang aking mga damit nakalabas lahat para dukot na lang kami nang dukot, wala nang ligpitan. Ayun ang dami kong followers, sinusundan nila ako, maligayang-maligaya ako at hindi pa nila ako nakakalimutan. Kaya ganado ako kasi minamahal nila ako.” dagdag pa ni Gina na 71 years old na ngayon.

Inamin din ni Gina na siya mismo ang sumasagot sa comments at pinagpupuyatan niya ito. Nagpasalamat din si Gina sa mga sumusuporta sa kanya.

“Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat na follower ko, na pinagtitiyagaan nyo ang lola ninyo. Hindi ko po talaga akalain na ganun nyo ako kamahal. Gagawin ko po ang lahat ng magagawa ko at lagi ko po kayong sasamahan.” sabi ni Gina.

(Photo source: Instagram – @yourlolagets)

You must be logged in to post a comment Login

More in News