Connect
To Top

Seth Fedelin inaming pinagseselosan niya si Daniel Padilla

Sa kanilang ‘Sagot o Lagot’ challenge ay inamin ni Seth Fedelin na pinagseselosan niya si Daniel Padilla dahil crush ito ni Andrea Brillantes. Matagal ng inamin ni Andrea na crush niya talaga si DJ.

“May pinagseselosan ka na ba na artista kay Andrea?” ito ang isang tanong kay Seth na kailangan niyang sagutin kung hindi ay dapat siyang uminom ng mantika na nakahanda na.

“Bakit ako magseselos?” ang unang sagot ni Seth. Dinagdagan naman ni Andrea ang tanong ng “Sino?”

Nagtalo pa ang dalawa kung ang tanong na ‘Sino?” ay nakasulat pa o parte ba talaga ng katanungan. Itinapon pa ni Andrea ang papel na kung saan nakasulat ang katanungan para mapilitang sagutin ni Seth ang tanong.

“Yung mga crush niyang mga artista, nagseselos po ako dun. Gusto mo ba pangalanan ko? Nagseselos ako kay Kuya DJ” buong tapang na inmain ni Seth.

“Masama ba magselos?” dagdag pa ni Seth. “WoW” lamang ang nasabi ni Andrea sa ginawang pag-amin ni Andrea.

Idinagdag din ni Seth na pinagseselosan daw ni Andrea si Ivana na itinanggi naman ni Andrea.

(Photo source: Instagram – @imsethfedelin)

You must be logged in to post a comment Login

More in News