Connect
To Top

Senador Kiko Pangilinan tiniyak na babalik sa Pilipinas si Sharon Cuneta

Tiniyak ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan na babalik sa Pilipina ang kanyang maybahay na si Sharon Cuneta. Nagtungo si Sharon sa Amerika upang gumawa ng isang proyekto nguni’t hindi ito natuloy dahil sa hindi maintindihang resulta ng kanyang swab test.

Hinayang na hinayang si Sharon dito at minabuti na rin nyang magtagal pa ng ilang sandali sa Amerika upang makapag-pahinga na din.

Sa isang panayam sa HeadStart kasama si Karen Davila ay naitanong ang tungkol sa paglagi ni Sharon sa US.

“She has work options there, that’s where she’s coming from. But she also said na home is where her family is, her husband and her children.” paunang sagot ni Kiko.

“We’ve been married 25 years. It’s always a give and take and I know love conquers all, so for me that’s not an issue. Ayun after 25 years, patay na patay pa rin sa akin,” dagdag pa ng senador.

(Photo source: Instagram – @reallysharoncuneta)

You must be logged in to post a comment Login

More in News