Connect
To Top

Ruby Rodriguez nami-miss na ang kanyang mga ‘DaBarKads’ sa Eat Bulaga

Halatang nami-miss na ni Ruby Rodriguez ang kanyang mga ‘Dabarkads’ sa Eat Bulaga. Nasa Los Angeles, California na si Ruby ngayon at may bago na siyang trabaho dun.

Sa isa niyang Instagram post niya ay ipinakilala niya ang bago niyang officemate na ang pangalan ay Wally.

“My new friend colleague 🥰I call him Wally😂 kaya bukas meron din kami jose papicture din ako”

Of course alam natin na Si Wally Bayola at Jose Manalo ay dalawa sa Dabarkads ni Ruby na naging malapit sa kanya. Sa comment section ay mag nagpost ng ganito:

“This month would have been my 29th year in EB .My 1st gig was the sunsilk santacuzan motorcade along roxas blvd. You were the reyna elena or hermana mayor. Kasama mo pa sa float ang nga lmp kids. Wayback wednesday memories.”

Na sinagot naman ni Ruby ng: “kuya rene!!! Ako 31yrs! Ganon eh paano…. miss u po”

Hindi matatawaran ang 31 years na nilagi ni Ruby sa Eat Bulaga kaya hindi kataka-taka na nami-miss nya at hahanap hanapin niya ang kanyang mga Dabarkads.

(Photo source: Instagram – @rodriguezruby)

You must be logged in to post a comment Login

More in News