Connect
To Top

Raffy Tulfo tutulungan si Donita Nose na magkatrabaho sa TV5

Nakalabas na ng ospital ang TV host comedian na si Donita Nose (“Rodello Juntos Solano” sa totoong buhay) pagkatapos nyang ma-infect ng COVID-19 virus. Pinasalamatan ni Donita ang lahat ng tumulong at nagdasal sa agaran niyang paggaling. Higit sa lahat ay pinasalamat niya si Raffy “Idol” Tulfo sa malaking tulong na ibinigay nya.

Nagbigay si Raffy ang kanyang pamilya ng PhP 500,000.00 para ipambayad ni Donita sa kanyang pagpapa-ospital.

Sa programa ni Idol Raffy ay nagpasalamat si Donita sa tulong na binigay ni Idol Raffy at sinabing handa na syang bumalik sa work. Sinabi ni Idol Raffy na gagawin niya ang kanyang makakaya upang hanapan si Donita ng trabaho sa kapatid network na sya namang ipinapasalamat ni Donita.

Narito ang video:

(Photo source: Youtube – @Raffy Tulfo in Action)

You must be logged in to post a comment Login

More in News