Connect
To Top

Netizens nagreact sa bikini photos ni Kris Bernal: “sobrang payat mo na po”

Kasalukuyang nasa Batangas ang aktres na si Kris Bernal kasama ang kanyang fiancee na si Peter Choi at halatang nag-eenjoy ang dalaga sa kanilang bakasyon.

Napapadalas pa nga ang pagpost ni Kris ng mga swimsuit photos na talaga namang nagpapakita ng kanyang kagandahan at alindog.

Nguni’t sa huli niyang post na kung saang makikitang naka green swimsuit siya ay may napansin ang mga netizens at sinabing parang pumayat ang dalaga.

Meron namang ilan na nagsasabing tama lang ang kanyang pangangatawan at uso daw yun ngayon. Minabuti na lang ni Kris na i-off ang kanyang comment section para walang ng nega-vibes siyang mabasa.

(Photo source: Instagram – @krisbernal)

You must be logged in to post a comment Login

More in News