Connect
To Top

Netizen nag-sorry sa pag order niya ng ‘Crispy Towel’ sa Jollibee

Kumakalat sa social media ang isang video na kung saan nagbiro ang isang netizen at nag-ordr ng ‘Crispy Towel’ sa drive thru ng isang Jollibee branch.

Halatang nalito at hindi natuwa ang Jollibee crew na tumatanggap ng order pero nanatili itong kalmado at sinabing wala silang ganung produkto.

Inulan ng batikos ang netizen sa kanyang ginawang biro. Ayon sa mga nakapanood ay hindi ito nakakatawa at ginawa pang katatawanan ang nasabing issue.

Dinelete na ng netizen ang video at humingi na din ng tawad sa Jollibee at sa hindi maganda niyang joke.

(Photo source: Tiktok – CTTO)

You must be logged in to post a comment Login

More in News