Connect
To Top

Neri Naig expresses joy as a new mother

According to her newest Instagram post, Naig revealed that she and husband Chito Miranda had to stay to the hospital for 12 days because Baby Miggy got sick. She also praised her husband for being a devoted father.

12 days kami na nasa hospital. Kase need mag stay ni baby Miggy ng one week para sa kanyang gamot. Nagkasakit kase siya. Kwento ko na lang ang buong detalye sa blog ko soon. We decided na magstay na rin sa hospital kase di ko kayang iwan ang anak ko tapos ako nasa bahay. Hindi talaga ako mapalagay. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng nurses, staff, at doctors ng Tagaytay Medical Center na talagang inasikaso kaming mag ina. Sobrang salamat po. Bisita kami ni baby Miggy next week! Sa nanay ko na akala ko ay hindi ko kailangan kase feeling ko kaya ko lahat, thank you, Mommy! I love you so much! Sa mom in law ko na nagstay rin sa hospital for a week para bantayan kami ni Miggy, thank you, Mommy sa pagmamahal mo po sa amin. Sa isa sa mga best friends ko, Mace, salamat sa pag aalaga sa amin lalo na sa akin. Kahit lagi tayong nag aaway kase matigas ulo mo, alam natin na hanggang sa pagtanda magtutulungan pa rin tayo. At syempre sa asawa ko. Grabe. Mahal na mahal kita. Grabe ang puyat at pagod mo at nerbyos mo. Grabe ka talagang magmahal. Napaka swerte namin ni Miggy! Wala nang mas hihigit pa sayo! Ikaw ang pinaka the best husband at the best daddy! Mahal na mahal kita sobra po! Ang swerte swerte ko kase ikaw ang asawa ko. Napakaswerte ko. Alagang alaga ako. I love you so much, Daddy! Ang sarap kapag puro pagmahahal ang nakapalibot sa buhay mo. Yung mga mahihirap at feeling mo impossible, nagiging ‘madali’ na lang kase alam mong mahal na mahal ka ng mga taong mahal mo at yun ang pinaka importante. Thank you, Lord! Pinaka the best gift sa akin ang magkaron ng sariling pamilya. Jackpot pa ako sa asawa at anak! Salamat po!

A photo posted by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

(Photo Source: Instagram – @mrsnerimiranda)

Pages: 1 2

You must be logged in to post a comment Login

More in News