Connect
To Top

Mocha Uson responds to social media detractors

“Itong nakaraang araw ako po ay nagpunta sa BOC to interview Comm. FAELDON. Nagpunta din po ako doon dahil po may mga concerns po ang ating mga kababayan patungkol po sa mga pangyayari noong nakaraang administration sa BOC. Inilapit ko po ito dahil ako po ay naniniwala sa bagong commissioner po natin. At sa interview na yun sinabi po ni Comm. Faeldon na kailangan niya ng tulong at kooperasyon ng bawat sektor ng ating lipunan tulad na lamang ng social media. Upang maikalat ang impormasyon at magandang programa ng BOC ngayon. Kaya tulad ng aking interview noon kay Pangulong Duterte (nasa video pa po yan) pati na rin kay Sec. Tugade atbp. sa pamamagitan ng aking blog sa social media, sinabi ko na handa po akong tumulong ng walang kapalit na sahod, title or official position. Dahil naniniwala ako na hindi lamang po si Pangulong Duterte ang magdadala ng TUNAY NA PAGBABAGO sa ating bayan. Bawat isa po sa atin, maging ordinaryong Pilipino na katulad ko, ay may kakayanan tumulong para sa TUNAY NA PAGBABAGO. Ulitin ko po, WALA PONG OFFICIAL APPOINTMENT NA NAGANAP SA BOC.

BINIBIGYANG KULAY LAMANG ITO NG IBA.”

Mocha also warned about the “enemies” of the Duterte administration who are more than willing to do anything to destroy the President’s image.

“Dahil ito ang totoo- ANG KAAWAY NG GOBYERNO NATIN NGAYON AY NAGHAHANAP NG KUNG ANU-ANONG DAHILAN UPANG SIRAAN SI PANGULONG DUTERTE.
Nakakalungkot lang isipin na may mga taong mabilis kumundena ng kapwa nila kesa sa tumulong na lamang para sa bayan.
Tuloy ang laban para sa TUNAY NA PAGBABAGO!”

(Photo source: Facebook – Mocha Uson Blog)

Pages: 1 2

You must be logged in to post a comment Login

More in News