Connect
To Top

Maricar Sebastian inilahad na ang sama ng loob kay Mich Liggayu

Ang matagal ng itinatagong sama ng loob ni Maricar Sebastian (ina ni Jam Sebastian ng Jamich) kay Mich Liggayu ay pinasabog na niya sa isang exclusive interview with Startalk noong April 18, 2015.

Halatang matindi ang hinanakit ng ina ni Jam kay Mich Liggayu at halata ding matagal na niya itong kinikimkim. Inilabas lahat ni Maricar ang kanyang mga hinaing noong ika-40 araw ng pumanaw na anak na si Jam.

Nag-ugat ang lahat sa mga naipundar nina Jam at Mich na mas kilala sa pangalang Jamich. Nag-live in ang dalawa at sa panahon ng kanilang pag-sasama ay may mga bagay silang naipundar na siya namang hinihingi ni Maricar.

Narito ang mga sinabi ni Mommy Maricar sa interview:

“Ang sabi ko, gusto ko ng breakdown ng finances ng anak ko. Hindi ako stage mother, ni singko wala akong pinakinabangan sa pagsikat ng anak ko dahil may kaniya-kaniya kaming mga buhay. This time namatay ang anak ko, ngayon may karapatan ako.

“Ayoko sanang magsalita pero sobra e, grabe. Hinihingi namin sa’yo ang gamit, ano ang sinabi mo sa amin, pag-iisipan mo. Hinihingi namin ang share, ano ang ibinigay mo sa amin, gusto mo sa’yo lahat. Ang anak ko naghirap din diyan. Hindi mabubuo ang Jamich kung wala ang Jam. Until now pinakikinabangan mo.”

“Kinuha niyo lahat ng gamit without informing us. Gamit ng anak ko kinuha niyo without informing us. pumunta ako dun andun ung airport wala ang remote. tapos mga naiwan dun mga kumot mga unan na ginamit ni Jam at yung hopsital bed ng bago at wheel chairniya. Binigay nila yung PC walang harddrive. Yun lang ang remembrance ng anak ko na dapat sa amin kinuha nyo pa.”

“Nung namatay ang anak ko, ang cellphone ng anak ko nasa amin. Hiniram mo kay Yexel, ano ginawa mo, ni-log out mo ang Facebook, ni-log out mo ang email, ni-log out mo lahat. Ni-log out mo ang Jamich page during the wake, bakit? para mawalan kami ng access dahil alam mo sa Jamich page, pinagkakakitaan niyo ‘yan; na until now sinabi niyo na-hack. Tapos ang sa Google ng anak ko ni-log out ang mga email, bakit? kasi doon pumapasok ang sinusuweldo niyo for Youtube.”

“Na until now ikaw ang nakikinabang. Ngayon sino ang mukhang pera sa amin dalawa? Sino ang mukhang pera sobra na ang paggagamit nyo sa anak ko. OK. Pinagkakakitaan nyo ng pera anak ko . Until now ginagamit nyo siya. Please lang maawa kayo sa anak ko.” buong paglalahad ni mommy Maricar.

Hindi din naniniwala si Mommy Maricar sa mga paglalahad ni Neo Domingo na wala silang relasyon ni Mich.

“tuwing madaling araw san ka nagpupunta? hindi ka natutulog sa bahay. kung sasabihin mong magkaibigan lang kayo. bakit mas arami ka pang time sa kanya (Neo)? nasaan ka na alam mong kailangang kailangan ka ni Jam?” dugtong ni mommy Maricar.

Itinanggi din ni Mommy Maricar na minercy killing nila si Jam. Hindi daw niya ito kayang gawin.

Narito ang video ng interview:

(Photo source: GMA 7 Startalk Youtube Screen grab / Facebook – Jamich)

You must be logged in to post a comment Login

More in News