Connect
To Top

Maja Salvador inaming may ginagawang ‘milagro’ sa swimming pool

Naging panauhin ni Empoy Marquez si Maja Salvador sa kanyang vlog at kanilang hinarap ang ““Never Have I Ever” challenge na kung san ay sasagutin nila ang mga katanungan na itatanong sa kanila.

Nakakatuwa at punung puno ng saya ang nasabing challenge dahil nagkakabukuhan ang dalawa.

Ang ilang mga katanungan ay kung nasubukan na ba nila mag-momol (makeout makeout lang) sa sinehan, kung na-jebs na ba sila sa pantalon, kung sino ang crush nila na nakatrabaho nila, at marami pang iba.

Ang isa sa mga naitanong kay Maja ay kung nasubukan na ba niyang ‘umutot’ sa swimming pool?

“Acidic kasi ako, kaya laging nagtataka si Rambo bakit bumubula yung swimming pool,” kuwento ni Maja.

“Minsan kapag uminom ng champagne or white wine, after nun parang nagpa-fart ako, hindi naman maiwasan yun minsan,” dagdag pa ni Maja.

(Photo source: Instagram – @iammajasalvador)

You must be logged in to post a comment Login

More in News