Connect
To Top

Maine Mendoza’s poem for Alden Richards

Sino ka nga ba? At paano mo masasabi na ikaw ay naiiba?
Ano nga ba ang papel mo sa mundong ito?
Ano nga rin ba ang papel mo sa buhay ko?
Iyan ang mga bagay na tinatanong ko sa aking sarili
Madalas nga ay hindi ako mapakali.

sa dami ng bumabagabag sa aking isip
may mga oras na sumasakit na ang aking dibdib (parang ngayon)
Sabi ng iba ay hindi ikaw ang karapat dapat
Humanap daw ako ng iibig sa akin ng sapat
Kaya dapat daw akong maging maingat.

Pero sino ba sila para magdikta kung sino ang nararapat
Inaamin kong ako’y takot na mahulog sa isang tulad mo
Ngunit alam ko na darating ang araw na kinatatakutan ko
Pero ano nga bang magagawa ko
Tila ang loob koy unti unting nahuhulog sayo.

Tinatanung ko ang aking sarili kung ikaw ba’y aking gusto
Ngunit ang isip koy nagsimulang magtalo
maaring hindi ang bulong ng isipan ko
pero nararamdaman ko ang sigaw ng puso ko ay OO.

CONTINUE READING…

Pages: 1 2 3

You must be logged in to post a comment Login

More in News