Connect
To Top

Klarisse de Guzman itinanghal na grand winner ng ‘Your Face Sounds Familiar 3’

Ipinakitang muli ni Klarisse de Guzman ang husay nya sa pag-awit habang inaawit niya ang kantang “Over the Rainbow” bilang si Patti Labelle at dahil dito ay nakakuha sya ng combined total na 90 na naging dahilan upang siya ay itanghal na grand champion ng ‘Your Face Sounds Familiar Season 3.’

Bilang gantimpala ay naguwi si Klarisse ng 1 million pesos at house and lot mula sa Lessandra.

“Sobrang hindi po ako makapaniwala kasi sobrang tagal ko na ring pinangarap na makahawak ng trophy as a title. Ito na po ‘yun. Maraming maraming salamat po,” sabi Klarisse.

“Hindi ko po makakalimutan ‘tong experience na ito kasi parang iniba niya ako. Na-try ko ‘yung mga bagay na hindi ko nagagawa dati,” dagdag pa ni Klarise.

Sa kanyang Instagram page ay ito ang sinabi ni Klarisse:

“o my co-performers😭😭 naiiyak ako. I’m gonna miss you all, sana patuloy parin tayo magkita-kita. Ang sarap ng nabuo nating friendship. Para ko na kayong mga kapatid. I love you all!!❤️ Ang gagaling nyong lahat!”

(Photo source: Instagram – @klarissedguzman)

You must be logged in to post a comment Login

More in News