Connect
To Top

KC Concepcion gustong bumalik sa ABS-CBN para mag host

Inamin ni KC Concepcion na nami-miss na niya ang paghohost ng TV show at gusto niya itong magawa muli sa Kapamilya Network ABS-CBN. Nakausap ni Toni Gonzaga si KC sa kanyang online show na ‘I Feel U.’

“I miss hosting a lot kasi gusto kong makipagkwentuhan sa mga tao, gusto kong marinig yung pinagdaanan ng ibang tao and ABS gave us a chance to do that.” sabi ni KC.

“Mahal natin ang network na ito kasi they really go sa mga kwento ng Pilipino. Sila rin ang nagturo sa akin as a host kung paano rin maka-relate sa mga taong hindi kapaehas ng mga pinagdaanan ko. Talang nag-open mind ko sa mundo because of my job.” dagdag pa ni KC.

Abala si KC sa kanyang mga projects – andyan ang kanyang online programs, ang pagiging jeweler niya at madami din syang mga charity works para makatulong sa mga nangangailangan.

(Photo source: Instagram – @kristinaconcepcion)

You must be logged in to post a comment Login

More in News