Connect
To Top

Kathryn Bernardo at Liza Soberano napamura ng malamang buntis si Riva Quenery

Marami ang natuwa sa reaksyon nina Kathryn Bernardo at Liza Soberano nang ibalita sa kanila ni Riva Quenery na sya buntis at 5 buwan na ang kanyang tyan. Sinabi ni Riva na nang siya ay nagka-COVID ay buntis na pala sya ng mga panahong yun.

Dahil usong-uso ang pag-prank sa mga kaibigan ay inakala nila Kathryn at Liza na isang prank ang ginagawa ni Riva pagkatapos nitong ipakita ang resulta ng kanyang sonogram.

Sa video post ay makikitang kausap ni Riva si Liza upang ipagbigay alam sa kanya ang goog news. Nag hi hello muna ang dalawa at ipinakita na ni Riva ang resulta ng kanyang ultrasound.

“No, you’re kidding. Prank ba ‘to? Alam mo kinakabahan talaga ako nung sinabi mo,” sabi ni Liza. Tinanong ni Liza kay Riva kung ilang buwan na ang kanyang pagbubuntis, at ng sinabi ni Riva na 5 months na ito ay napamura si Liza.

“Oh my God I’m so happy for you! Oh my God are you serious? Wait lang hindi ‘to prank ha?” I can’t believe you’re mommy Riva na. I’m so happy and excited for you.” dagdag ni Liza.

Halos ganun din ang nangyari kay Kathryn nang sabihin ni Riva na sya ay pregnant. Hindi din makapaniwala si Kathryn sa kanyang narinig.

“Ano ba, ba’t di ka naniniwala! Wala pa nga akong sinasabi,” bulalas ni Riva. “What? This is a prank! Mamatay man? Oh my God! Okay yan, congratulations! I can’t believe it. Akala ko ginag*go mo lang ako,” sabi ni Kathryn.

(Photo source: Instagram – @riva)

You must be logged in to post a comment Login

More in News