Connect
To Top

Karylle pumayag sa hamon ni Vice Ganda na batiin si Dingdong Dantes sa “It’s Showtime”

Nakakatuwa ang isang tagpo sa “It’s Showtime” na kung saan ay naglaro si Karylle sa “”Mas Testing” na kapag hindi mo nasagot ang katanungan ay may naghihintay sa contestant na “Fun-ishment.” Nagkataon na hindi nasagot ni Karylle ang katanungan kaya naman may ipinagawa agad si Vice Ganda sa kanya.

“Ito ang punishment mo, Karylle: Mag-‘Hi!’ sa isang ex na kilala namin on national television,” sabi ni Vice. Sagot ni Karylle: “Wala naman akong number. Feeling ko blinock ako, e. Tatawagan ko?”

Medyo nag-atubili si Karylle sabay sabing ““Kinakabahan ako. Baka ma-bash ako mamaya.” Nang makakuha na ng sapat ng lakas ng loob si Karylle ay ito ang sinabi nya:

“Actually, madali lang yung ‘Hi!’ Yung mahirap, yung iba-bash ako mamaya. Ibang ex na lang. Kilala ni DJ Mod… Hindi na kailangan buong pangalan. Hi, Mark! Kumusta? Sana okay ka.”

Bandang huli ay nag-greet na din si Karylle sa ex nyang kilalang kilala ng lahat: “Hi to my ex! Kumusta kayo diyan? Hi, Sixto. Belated happy birthday.” Of course, si Sixto ay isa sa mga nickname ni Dingdong Dantes.

Narito ang video:

(Photo source: Instagram – @anakarylle / @dongdantes)

You must be logged in to post a comment Login

More in News