Connect
To Top

Jobert Sucaldito on cases filed by Erik Santos: “haharapin ko ito at lalaban nang patas”

Ang ikinalulungkot ko lang ay kung bakit kailangan pang sumama sina Sam Milby, Jaya and K Brosas sa dalawa when they filed the case. Dito ako mas nasaktan – ano kaya ang nagawa kong kasalanan kay K Brosas na even before siya nagpa-manage kay Erickson Raymundo ay minahal ko siyang parang anak-anakan dahil alaga siya ni Kuya Boy Abunda before? Kay Jaya naman, it’s a common knowledge na sobrang minahal ko ang kaniyang namayapang inang si Mama Elizabeth Ramsey even during the last hours of her life – itinuring akong parang sariling anak at sobrang minahal ko. Si Sam Milby naman – it’s very painful for me to see him support them in this filing of cases against me.

I’d like to understand them na lang – na kaya nila nagawa ito dahil maaaring kinausap sila ng manager nilang samahan sila or kung bukal man sa kalooban nilang ipakita ang suporta nila against me, I don’t know how to understand it now. Dito ako mas nasasaktan. Pero yung sa kaso, haharapin ko ito at ilalaban hanggang sa kahuli-hulihang sandali ng buhay ko.

A post shared by eriksantos (@eriksantos) on

Imagine, in full force daw silang lahat with matching bodyguards pa nang pumunta sa korte. Mabuti na lang at wala roon sina KZ Tandingan. Richard Poon and Pooh na sobrang mahal ko rin na mga alaga rin ng Cornerstone. And even if they will give their full support sa dalawang complainant, pilit kong uunawain. Ganoon talaga ang buhay sa showbiz. Hihintayin ko na lang ang documents re these cases they filed against me para makapag-submit naman kami ng lawyer ko ng aming counter-affidavit. Maraming salamat po sa inyong lahat.”

(Photo source: Facebook – @Sucaldito Jobert / Instagram – @eriksantos)

Pages: 1 2

You must be logged in to post a comment Login

More in News