Connect
To Top

Happy Birthday Darla Sauler

The most loved companion of Kris Aquino is celebrating his birthday June 10, 2015. Darla is Darla now not because it was handed to him on a silver platter – she worked hard for it and she deserves all the success that she has right now.

On his Instagram post, Darla thanked God for the blessing of life:

“June 10, 2015. Yehey birthday ko na! Thank you Papa God. 4 years ago, hiniling ko na bigyan mo pa ko ng maraming birthdays. At dininig mo po. Maraming, maraming salamat po. Bawat gising ko, nagpapasalamat ako na okay ako, buhay ako at binibigyan mo ko ng chance na tuparin lahat ng pangarap ko sa buhay, para sa pamilya ko. Sana po, mas maging makabuluhan pa bawat araw na binibigay mo sa akin.

Binibigyan mo po ako Papa God ng napakaraming biyaya, na hindi ko kailan man inasam. Ang pamilya ko, na kahit anong mangyari – kahit anong oras, ipapadama sa akin ang pagmamahal Mo. Ang mga kaibigan, na anumang season ng buhay ko, kasama ko. Wala na po akong iba pang mahihiling kundi sana, sa anumang paraan, makapagbigay ako ng inspirasyon sa kapwa ko. 2 years na kong “zero cancer cells.” Sa aspetong ito pa lang, sana maipaabot ko sa lahat na hindi Mo kami kailan man pababayaan. Maraming tulad ko ang sinusubok ng tadhana, para sa kanila gusto ko lang sabihin na, pananalig lang sa Diyos, strong support mula sa mga taong nagma-matter sa buhay natin, at positibong pananaw sa buhay… sapat na for us to live a life na mag-iiwan ng magandang memories para sa sinumang nakakasalamuha natin sa araw araw.

Nung na-diagnose ako with CML (leukemia), akala ko mapapaaga ang pagpapaalam ko sa lahat. Pero dahil kay Papa God, eto ako, kaharutan niyo pa rin hehehe! Kaya tuwing magbibirthday ako, umaapaw ang pasasalamat ko. Para sa buhay na meron ako. Para sa bawat paglitaw at paglubog ng araw na nandito ako. Para sa bawat sandali na nakakausap ko kayo.

Sa aking ABS-CBN FAMILY, THANK YOU. Sa inyong lahat, SALAMAT PO. You keep me ALIVE. And HAPPY.”

Vice Ganda, K Brosas, Kris Aquino and his Kris TV family gave Darla a surprise party.

Happy Birthday Darla.

(Photo source: Instagram – @Ddarlasauler)

You must be logged in to post a comment Login

More in News