Connect
To Top

Claudine Barretto tinawag na ‘plastic’ sina Marjorie at Julia Barretto: “binibisita lang mom ko para sa IG’

Tinawag na ‘plastic’ ni Claudine Barreto ang kanyang kapatid na si Marjorie Barretto at pamangkin na si Julia Barretto. Ito ay naging tugon ni Cludine nang tanungin siya kung kinakamusta ba nina Marjorie at Julia si mommy Estrella “Inday” Barretto – mommy nina Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto.

Sa isang video interview na pinost ng Celebrity Update sa Youtube, ay naitanong kay Claudine kung kamusta ang relasyon nina Marjorie at Julia kay mommy Inday.

“Hindi naman sila nagbibigay ng time sa mama ko.Hindi nga nila chini-checkup eh. Hindi sila nagche-checkup.” pambungad ni Claudine.

“Pag nakasama lang nila mama ko, hilig lang nilang gawin is magpa-picture sa Instagram, tapos alis na. Napakaplastic ng mga yun.” dagdag ni Claudine.

Bagama’t hindi sila magkakasundo ay sinabi ni Claudine na kanyang ipagtatanggol ang kanyang mga kaanak.

“Ipagtatanggol ko sila. Kakampi nila ako, hindi nila ako kaaway” sabi ni Claudine.

(Photo source: Instagram – @claubarretto)

You must be logged in to post a comment Login

More in News