Connect
To Top

Bela Padilla ipinagtanggol si Ivana Alawi sa mga pumuna sa kanyang acting

Nagpasalamat si Bela Padilla kay Ivana Alawi sa pagpayag ng huli na lumabas sa music video ng awiting ‘Paraluman’ na si Bela mismo ang nagdirek. Sa kanyang Instagram post ay sinabi ni Bela kung gaano kabuti at kabait ni Ivana.

“@ivanaalawi thank you for saying yes and for being so gracious with your time and talent! ❤️ you are a doll in real life and on screen”

Sa comment section naman ay may isang netizen na nagpost ng ““LOL. Ivana. In acting?” na halatang kinukutya ang pag-arte ni Ivana sa naturang music video.

Hindi ito pinalagpas ni Bela at agad na sinagot ang patutsada ng netizen: “What’s so funny?” ang sabi ni Bela.

You must be logged in to post a comment Login

More in News