Connect
To Top

Bagong single ni Maymay Entrata na ‘Di Kawalan’ patama ba kay Edward Barber?

Inilunsad kamakailan lamang ang bagong single ni Maymay Entrata na may pinamagatang “Di Kawalan.” Sa loob lamang ng ilang araw ay nagtrending na ito agad at nasa Top 10 na agad ito sa listahan ng online music streams katulad ng iTunes Philippines.

Napaka-catchy ng sound ng ‘Di Kawalan’, mapapaindak ka dito at mapapasabay ka din sa awit lalung lalo na kung isa ka sa mga nawalan ng jowa.

Narito ang ilang parte ng lyrics ng nasabing kanta:

“‘Wag na ‘wag ka na papayag na masaktan / ‘Wag na ‘wag ka na papayag na malamangan / ‘Wag na ‘wag ka nang papayag / Iiyak ka na naman

Kung ganun lang din naman ay ‘wag na ‘wag na lang / Pakita mo sa kanila na kaya mo ‘to / Pagkat ‘di lang naman siya ang lalaki sa mundo

Kung ‘di niya talaga makita’ng kagandahan mo / Ay ‘di naman siya talagang kawalan sa’yo”

Marami tuloy ang nagsasabing parang patama daw ang awit na ito kay Edward Barber na naging partner ni Maymay nguni’t sa hindi malamang dahilan ay tila nagkalabuan na ang dalawa.

Sa online program ni Edward ay naitanong nito kay Maymay ang tungkol sa second chance at tahasang sinabi ni Maymay na hindi sya naniniwala sa second chance lalo na kung siya ay nasaktan.

Ang kaganddahan ngayon ay tila nagkapatawaran na ang dalawa at sila ay naguusap ng muli.

(Photo source: Instagram – @maymay)

You must be logged in to post a comment Login

More in News