Connect
To Top

Angeline Quinto sa nagsabing hindi sila bagay ni Coco Martin: “Marunong ka pa kay kupido”

Napatawa si Angeline Quinto habang sinasagot niya ang mga ilan sa mga hindi magagandang comments or mean commens sa kanyang pinakabagong vlog. Game na game na sinagot ni Angeline ang mga comment sa kanya.

Ang ilan sa mga comments na natanggap ni Angeline ay ‘retokada sya’, ‘pangit mo mukha kang virus’, ‘pinagawa ang ilong’, ‘sobrang tangos ng baba’ at marami pang iba.

Ang isa sa mga comment na natanggap ni Angeline ay hindi daw sila bagay ni Coco Martin at mas bagay ddaw ito kay Julia Montes. Ito ang naging tugon ni Angeline:

“Kami ni Coco, maayos kami na magkaibigan. Maayos din naman kaming magkaibigan ni Julia. So ngayon, bakit inuunahan mo si kupido? Marunong ka pa kay kupido na kung sinong bagay sa isang tao?” sagot ni Angeline.

(Photo source: Star Cinema)

You must be logged in to post a comment Login

More in News