Connect
To Top

Andrea Brillantes nag-share ng kanyang struggle sa eating disorder at pimples

Inamin ni Andrea Brillantes na siya din ay dumaan sa mga pagsubok sa buhay at ang ilan dito ang pagkakaroon niya ng eating disorder na kung tawagin ay Bulimia at pati na rin ang pagkakaroon ng pimples.

Ginawa ni Andrea ang pag-amin sa mediacon ng “Click, Like, Share”.

“Nag-struggle din ako sa acne pero hindi siya actually masyado alam ng mga tao kasi palagi ako naka-makeup. Sa Kadenang Ginto bago ako pumunta sa set iiyak muna ako sa kotse kasi ang dami kong pimples.

Kapag kinakausap ako hindi ako tumitingin kasi nahihiya ako. Na-overcome ko yan sa mismong Kadenang Ginto rin kaya sobrang nagpapasalamat ako sa show na yun kasi hindi lang siya naging trabaho sa akin. Lahat ng staff, cast, crew naging family. Sila ang bumuo sa akin.” kwento ni Andrea.

“Para sa akin napakalaking bagay para ma-overcome mo yung mga ganung klaseng depression, eating disorder, malaking bagay na meron kang suporta sa mga totoong tao na nagmamahal sa iyo. Pero kinuha ko rin yung lakas na yun sa sarili ko. Hindi yun overnight. Ilang taon na ako nag-sa-struggle and ngayon nasasabi ko na okay na ako,” dagdag ni Andrea.

(Photo source: Instagram – @blythe)

You must be logged in to post a comment Login

More in News