Ibinahagi ni Alex Gonzaga ang isa sa mga dahilan kung bakit sila nagkaka-inisan ng kanyang asawa na si Mikee Morada. Madalas na makikitang magkasama si Alex at Mikee sa vlog ni Alex at cooperative naman si Mikee sa mga ipinapagawa ni Alex sa kanya.
Nguni’t sa bagong Instagram post ni Alex ay ibinuko niya na isa sa mga dahilan kung bakit sila nagkakainisan ng asawa ay sa kanyang kaartehan at kafeelingan.
“Isa sa mga dahilan kung bakit kami nagkaka-inisan mag-asawa. Nagpapapicture ako sa kanya ng mga kaartehan at kafeelingan..
Mikee: “Ano na naman to Catherine! Bakit ganyan damit mo at pose mo.”
Pero click pa rin sya picture”
(Photo source: Instagram – @cathygonzaga)
You must be logged in to post a comment Login