Connect
To Top

Ruby Rodriguez nagsalita na tungkol sa kanyang biglaang ‘exit’ sa Eat Bulaga

Isa si Ruby Rodriguez sa mainstay ng noontime show ‘Eat Bulaga’ kaya naman marami ang nagtaka kung bakit hindi ito kasali sa mga ‘Dabarkads’ nang bumalik sa ere ang Eat Bulaga pagkatapos ng panandilaang pagkawala sa ere dahil sa pandemic.

Sa isang virtual media conference ng Viva Artists Agency ay naitanong kay Ruby kung ano ba ang tunay nangyari sa kanyang Eat Bulaga career na after 31 years ay naglaho na lamang siyang parang bula.

“Hindi na kami nakapagpaalaman kasi nga nagbu-Bulaga pa naman noong March 2020 nang biglang nagpandemya. Paano ka magpapaalam sa kanila? Tapos nung makausap ko si Boss Tony Tuviera, hindi pa ako nagpa-file ng leave of absence. Verbal pa lang yung agreement namin. Ipa-file ko pa lang yung leave ng March 2020 kung aalis na ako. Hindi pa naman ako umaalis, bakit ako magpa-file ‘coz I’m going to file it a month before I leave.” bungad ni Ruby.

“Actually, hindi ako umalis kasi nagpaalam ako na magli-leave of absence lang ako. Ang sabi sa akin ni Mr. Tuviera, ‘You will always have a home here in Eat Bulaga.’ At siyempre, inasahan ko yon. So, when they started to go on air, it’s their decision kung sinong pababalikin nila. Ang makasasagot lang kung tinanggal ako o hindi ay sila. That’s why I always say, ‘Please ask them.’ daggdag pa ni Ruby.

“I don’t know how they will answer it. If they were going to say, ‘Ito ba ay leave?’ Hindi ko alam kung ano ang desisyon nila, but it’s management’s decision, and we always respect that. With regards if they take you out just like that, they just drop you like a hot potato, I think it’s them who can answer that.” sabi ni Ruby.

“It’s a very humbling experience and it made me realize na sa ganitong mga pagkakataon, ganitong talagang hirap at ginhawa, you can only rely on your family and you’ve got to have faith with God.” pagtataapos ni Ruby.

(Photo source: Instagram – @rodriguezruby)

You must be logged in to post a comment Login

More in Uncategorized