Connect
To Top

Alessandra de Rossi sa mga bashers: “Ang yayabang sa Internet… In person naman, walang personality”

Ibinahagi ni Alessandre de Rossi ang kanyang saloobin tungkol sa mga nagaganap sa social media na kung saan ay lahat ay maari mo ng sabihin ng walang takot.

Ayon kay Alessandra ay nakaka-miss daw ang outside world na kung saan ay may control pa kahit papaano ang pagsasalita ng tao:

“Ang toxic ng social media. Nakakamiss ang outside word kung saan natatakot magsabi ng nega sa personal ang isang taong di ka kilala at baka makuyog ng barangay. makalayas na nga.

Mema/nega: wag ka nang babalik! Di ka namin kailangan.
Me: ikaw owner ng internet? Char!”

May isang netizen na nag-react sa kanyang tweet at sinabing:

“Hindi nila kayang sabihin yan sa personal. Mga binayaran yan sila para sumira ng buhay bg ibang tao. Ako, kailangan ko rin ng pera pero hindi sa ganyang paraan na sisira ka ng buhay ng artista para lang kumita ka. Napaka dumi, grabe.”

Sinagot ito ni Alessandra sa pag-tweet ng:

“No, kahit walang bayad. Ang yayabang sa Internet. Puro lait, puro puna. In person naman, walang personality. Ano na?”

(Photo source: Instagram – @msderossi)

You must be logged in to post a comment Login

More in Uncategorized