Connect
To Top

Alex Gonzaga gusto ng magka-baby pero…

Excited na ang mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada na magstart na sila ng kanilang sariling pamilya – ibig sabihin ay gusto na rin nilang magkaroon ng baby. Ikinasal sina Alex at Mikee noong January 2021.

Sa kanyang interview kay G3 San Diego ay naitanong kay Alex ang tungkol sa engrandeng kasalan.

“Hindi nga rin namin alam, eh. Dapat ang plano namin this year. We were planning kasi na for the next year, yung bigger wedding, same date na lang. Parang one year anniversary para hindi na tayo ma-confuse. Pero right now, as in zero plans,”sagot ni Alex.

Pagdating naman sa kanilang honeymoon na naudlot dahil sa pandemya ay ito ang sagot ni Alex:

“Meron pero siyempre hindi mo naman masabi yun kasi may pandemic. Alam mo yung pwede ka namang mag-travel pero hindi naman pwede kasi nga may pandemic.” sabi ni Alex.

At sa pagkakaroon naman ng baby ay sinabi ni ALex na napaguusapan na din nila ni Mikee ang pagkakaroon ng anak pero:

“Gusto ko na siya. Pero parang kapag nandiyan na, feeling ko parang hindi ko pala kaya. Parang ganun.” pagtatapat ni Alex.

(Photo source: Instagram – @cathygonzaga)

You must be logged in to post a comment Login

More in Uncategorized