Connect
To Top

Yassi Pressman bumisita at nagbigay tulong sa PGH

Muling pinatunayan ni Yassi Pressman kung gaano kalaki ang kanyang puso sa pagtulong sa mga nangangailangan nang kanyang bisitahin ang Philippine General Hospital ng ito ay masunugan noong May 16, 2021.

Binisita ni Yassi ang PGH upang mismong matunghayan ang pinsala na naidulot ng sunog sa nasabing ospital at talaga namang naantig ang kanyang kalooban sa sinapit ng ospital at ang mga pasyenteng naapektuhan ng sakuna.

Sa video ay makikitang naluha si Yassi nang makita niya ang sitwasyon ng mga pasyente lalong lalo na ang mga sanggol. Kaya naman nagbigay ng tulong si Yassi na hindi na idinitalye kung anong tulong ang kanyang binigay bagkus ay hinikayat niya ang lahat upang tulungan at suportahan ang PGH sa kanilang rehabilitasyon.

Narito ang salysay ni Yassi:

“On May 16, 2021 the Philippine General Hospital was hit by a catastrophic fire which destroyed medical equipment and put people’s lives at risk, especially the babies in the NICU on the floor directly above the fire.

Last Saturday we took the time to visit PGH, the hospital was in dire need of help.

Coming to PGH made me deeply appreciate all the nurses, the volunteers, the staff and the mission of the hospital. 80% of the patients that are checked in, are taken care of for free. They perform close to 30,000 surgeries a year charitably.

It was really heartbreaking seeing all of the infants, sobrang saludo po ako sa lahat ng mga tumulong. Ikwinento po nila sakin kung papano nila sinubukang iligtas ang mga sanggol habang nasusunog na ang lugar at halos binubulsa nila yung mga maliliit na bata at manually po nilang pinupump ang oxygen sa mga munting baga nila para lang mabuhay.

Saludo po ako sa mga taong di nagdalawang isip at di sumuko na itakbo ang mga sanggol palabas ng ospital, tulungan silang huminga hanggang sa maipasok po ulit ang mga breathing machines nila at mailagay sila sa ligtas na lugar. Sa awa ng Diyos wala pong isang bata ang hindi nagsurvive.

Sana po matulungan pa natin ang PGH.”

(Photo source: Instagram – @yassipressman)

You must be logged in to post a comment Login

More in News