Connect
To Top

Willie Revillame tinanong si John Lloyd Cruz: “Bakit ka ba huminto?”

Marami ang natuwa ng inanunyo ng Crown Artist Management (CAM) na pinamumunuan ni Maja Salvador ang pagbabalik showbiz ni John Lloyd Cruz. Halos tatlong taon ng nananahimik si John Lloyd sa showbiz at namuhay ng pribado.

Nagkaroon ito ng isang anak na si Elias kay Ellen Adarna nguni’t kalaunan ay nagkahiwalay din sila ni Ellen.

Kamakailan lamang ay kumalat ang mga photos ni John Lloyd na kasama si Willie Revillame, Direk Edgar Mortiz, Direk Cathy Molina, Sam Versosa, at Malou Santos. Bumisita ang grupo sa resort ni Willie.

Sa kanyang programang ‘Wowowin: Tutok To Win’ ay naikwento ni Willie ang kanilang paguusap ni John Lloyd. Sinabi ni Willie na naitanong niya sa magaling na aktor ang dahilan kung bakit ito huminto sa pag-aartista noong 2018.

“Alam mo, maganda yung mga rason niya, e. ‘Paminsan nabe-burnout ka na. Ito na lang po ginagawa ko araw-araw. Paggising ko, shooting. Pagtulog ko, paggising ko, shooting.’” kwento ni Willie.

In other words, binigyan ni John Lloyd ang kanyang sarili ng panahon upang makapagpahinga dahil nga marahil sa ito ay napagod.

“Yun bang binigyan niya ng halaga yung sarili niya.” dagdag ni Willie.

(Photo source: Instagram – @direkbobot)

You must be logged in to post a comment Login

More in News