Connect
To Top

Vice Ganda inaming may iniinda syang karamdaman

Ipinagtapat ni Vice Ganda na hindi masyadong maganda ang kanyang kalusugan sa ngayon. Matatandaang kamakailan lamang ay nagkaroon ng mga bato si Vice na kanyang ipinatanggal.

Sa kanyang panayam sa dati niyang talent manager na si Ogie Diaz ay inamin ni Vice na nagbalik ang sakit niya sa bato. Nakaramdaman daw siya muli ng sakit sa kanyang pag-ihi.

“Pag-ihi ko biglang nahinto. Tapos ang sakit na naiyak ako. Tapos biglang naihi na naman siya. Parang may nakabara,” panimula ni Vice.

“Nagtataka nga ako kasi maingat na ako ngayon sa mga kinakain ko, malakas na rin akong uminom ng tubig. Pero sabi ng doktor ko, may mga tao raw talagang ganu’n, mga ‘stone former’ kaya kailangang magpa-checkup nang madalas,” dagdag ni Vice.

“So physically I’m not okay na naman. Tapos ‘yung takot na naku ayoko nang magkaroon ng sakit ulit sa bato kasi sobrang sakit nu’n. Excruciating ‘yung pain,” pahayag pa ni Vice.

“Tinatapangan ko pero may mga times na ‘di ko na kaya. Kahit sa ‘Showtime,’ sinasabi ko, ‘di ko na kaya, patulong sa mga co-host,” sabi ni Vice.

(Photo source: Instagram – @praybeytbenjamin)

You must be logged in to post a comment Login

More in News