Connect
To Top

Vhong Navarro at Maine Mendoza photo hashtag nag-viral: “#EatShowtime”

Marami ang natuwa at nagulat sa post na ginawa ni Vhong Navarro na kung saan ay makikitang magkasana sila ni Maine Mendoza. Hindi ito inaasahan ng mga netizens dahil nga they belong to competing networks at competing shows pa.

Si Vhong ay mainstay ng “It’s Showtime” ng ABS-CBN at si Maine naman ay taga-Eat Bulaga na umeere sa GMA-7.

Kaya naman marami ang nagtataka kung bakit sila magkasama sa isang photo – may project ba daw sila? O lilipat ba daw ang isa sa kanila? Vhong to Eat Bulaga or Maine to It’s Showtime?

Kaya naman kwela at nag-viral ang hashtag na ginawa ni Vhong na “Eat Showtime.”

“Masaya at magaan katrabaho! 🙌🏻 Nice working with you @mainedcm 😊 #Soon #Blessing #EatShowtime”

(Photo source: Instagram – @vhongx44)

You must be logged in to post a comment Login

More in News