Connect
To Top

Robin Padilla donates 5 million pesos to DSWD for the victims in Marawi City

Robin also posted on his Instagram showing his support to President Duterte’s “BANGON MARAWI” which is a project that aims to rebuild and rehabilitate Marawi City.

Sa ngalan ng Panginoong ALLAH ang pinakamapagpala at ang pinakamahabagin. Ang araw na ito ay pinagpala ng kanyang habag at awa sapagkat ang panalangin ng mga muslim filipinos hindi lamang ng mga kapatid na Moro kasama na rin ang ating mga Kababayan na patuloy na nagdarasal para sa mabuting kahihinatnan ng MARAWI ay may malinaw na kasagotan na po ALLAH HU AKBAR!!! Mula sa napakagandang paglalahad/briefing sa akin ng ARMM governor Mujiv Hataman kahapon ng umaga ay napagkalooban naman po ako ng Pagpapala ngayong hapon at gabi na ito at aking nasaksihan ang Pagre report ng samahang BANGON MARAWI na binuo ng mahal na Pangulo RRD/ El Cid, upang magsagawa ng Rebuild at Rehabilitate MARAWI. Napakalinaw po ng mga paliwanag ng Kalihim ng DND Delfin N Lorenzana at Hepe ng AFP Eduardo M Año patungkol sa maingat na pagbabalik ng mga residente ng MARAWi sa kanilang mga tahanan at ari arian. Napakalinaw din po ang paulit ulit na pagtatanong ni mayor duterte sa Representante ng kalihim ng DSWD Emmanuel A Leyco patungkol sa pagkain ng mga bakwit pati na rin ang kahalagahan ng malinis na tubig sa kanila.Nakakapanabik naman ang inihain na master plan ng Kalihim ng DTI Ramon M Lopez patungkol sa kinabukasan ng mga MARANAO sa kayod at hanapbuhay. Akoy nagpupugay sa ILIGAN CITY sa pagbubukas nila ng kamay sa mga Maranao Traders ALHAMDULILLAH!! Nakapagpataas naman ng ispiritu ang napakagandang plano ng Hepe ng HUDCC Eduardo del Rosario Patungkol sa mga itatayong tahanan para sa mga taga Marawi na nawasak ang mga ari arian dahil sa tindi ng labanan.SUBHANAALLAH ay tunay na Konkreto ang plano at vision ng mga Ahensya na ito sa pamamahala ni DIGONG.. Ako po ay malalim na nagpupugay kay Heneral Bong Go sa patuloy na pagbubukas ng linya sa amin ni mayor DU30…Ako po ay malalim na nagpapasalamat kay GM Glen Pangapalan sa kanyang patuloy na pagpapatibay ng aming pagiging magkapanalig sa rebolosyon at pagiging magkumpare.Tanggapin mo ang aking malalim na paggalang ginoong Francisco Tiu Laurel jr at binibining Lisette Marquez. Higit sa lahat akoy nagpapakumbaba at sumasaludo sa lahat ng Protocol Officers and Staff, PSG, BUTLER, at Palace House Staff. Mabuhay ang BANGON MARAWI!!

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

(Photo Source: Instagram – @robinhoodpadilla / @marieltpadilla)

Pages: 1 2

You must be logged in to post a comment Login

More in News