Connect
To Top

Rabiya Mateo sinabihang ‘kabit’ kaya daw nanalo sa beauty pageant

Ibinahagi ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ang kanyang karanasan na kung saan ay inakusahan siya o tinawag siyang isang ‘kabit’ at ito daw ang naging dahil kung paano siya nagwagi bilang Miss Universe Ph.

Sa kanang virtual interview with Boy Abunda ay na-share ni Rabiya ang mga panahong yun at kung gaano kasakit para sa kanya sa at kanyang pamilya ang paratang na yun.

“I love myself even better now. What I’ve been through is never easy. I know it’s going to be hard, but not as hard as what happened in the competition. From the moment I won Miss Universe Philippines up until the Miss Universe competition, binugbog ako emotionally, mentally. But I tried to be strong. I tried to hold myself together,” panimula ni Rabiya.

“There was this issue, a comment, saying that I was a mistress. Parang yun yung pinakamasakit doon. Because I was raised by a single mother and lahat-lahat ng pinagdaanan ko, pinaghirapan ko yon. And I have my moral values with me.” dagdag pa ni Rabiya.

“Pinag-usapan nga namin ni Mama yon, ‘You know naman what’s the real story and I would never do such a thing. Kahit naghirap tayo sa buhay, never natin ‘yon ginawa,’” sabi ni Rabiya.

(Photo source: Instagam – @rabiyamateo)

You must be logged in to post a comment Login

More in News