Connect
To Top

Pamimili ni Andi Eigenmann sa sari-sari store nag-viral

Sa pinaka-vlog ni Andi Eigenmann ay makikita ang aktres na bumibili ng mga kailangan niya sa bahay sa isang sari-sari store. Ang video na ito ay pinagusapan online dahil napaka-saya ni Andi sa kanyang simpleng buhay.

Mas ninais ni Andi na manirahan sa Siargao at iwan ang ningning ng showbiz upang mamuhay ng simple kasama si Philmar Alipayo at ang kanilang mga anak.

Sa nasabing video ay makikitang namimili si Andi ng spaghetti at ng mga sangkap nito. Sinusubukan din ni Andi na magsalita ng Boholano upang magkaintindihan sila ng tindera sa sari-sari store.

Marami ang natuwa sa vlog ni Andi dahil pagkatapos niyang mamili ay nagluto na siya ng kanilang paboritong pasta.

(Photo source: Instagam @andieeigenmgirl)

You must be logged in to post a comment Login

More in News