Connect
To Top

Netizens nag-react sa hinaing pagkain ni Angel Locsin: “sira ang diet nyan”

Ibinahagi ni Angel Locsin na siya ay papasok na sa pag-diet para sa kanyang kalusugan. Nguni’t hindi naman ito nangangahulugan na ginugutom niya ang kanyang sarili.

Sa kanyang Instagram ay ipinakita ni Angel ang mga pagkain sa kanyang dining table at inimbita pa nya ang kanyang pamilya na makisalo na sa kanya.

“Showing proof to my family that I have food in the house even though I’m on a diet!😅 family, wherever you are, waiting na me, where you na?😂 Tara naaaaa! Nag plating pa ako sa tagal nila!😂

Today, I’ll be having skinless and oil free chicken inasal 😇 pero nag empanada na ko, hahaha!”

Ang ilan sa mga netizens ay nag komento na nakakagutom ang mga pagkain ni Angel at ipinaalala sa kanya na ok lang yan basta wala masyadong carbs. Ipinapaala din ng iba na nasa diet sya.

(Photo source: Instagram @therealangellocsin)

You must be logged in to post a comment Login

More in News