Connect
To Top

Neri Miranda asensado na talaga; bumili ng bagong sasakyan

Isa si Neri Miranda na itinuturing na pinaka-masinop at pinaka-mahusay na negosyante sa larangan ng showbiz. Napalago na ni Neri ang kanyang tuyo business at dumadami na din ang branches ng kanyang restauraant.

Nakapagtayo na din sya ng rest house para sa kanyang pamilya na pinapaupahan din nya sa mga bakasyonista.

Sa bago nyang post ay ibinahagi ni Neri na bumili sya ng bagong sasakyan – isang truck na ang tinawag niyang Truckie. Narito ang kabuuan ng kanyang post:

“Paparating na si Truckie this week! Yahooooo! Thank you, Lord!

Mga ka-wais at ka-tuyuan! May bago tayong makakasama sa paghatid ng mga tuyo natin at dahil sa sooooobrang dami ng order nyo, di na kakayanin ni Eltri sa bigat ng dinadala nya.

Yes, ang kinita ko sa pagtutuyo ang pinambili ko kay Eltri at ngayon naman kay Truckie. Inipon ko para di magloan at walang karagdagang bayad. Tiis tiis lang talaga at pikit mata mong babayaran. Pero naniniwala akong mababawi ko naman! Hehe! Hindi man overnight pero makakabawi rin. Saka kailangan na talaga. Para makadeliver na kami ng maramihan sa aming mga distributors! At para di na sila kukulitin ng mga masisipag nilang resellers at dahil UBUSAN TALAGA NG STOCKS!

GUSTO MO BANG MAPASAMA SA MGA MASISIPAG NA RESELLERS?

Baka ikaw pa ang maging TOP RESELLER! Sa halagang P3,000, may negosyo ka na! At siguradong kumikita! Marami na ang mga nakapundar at nakabayad sa mga utang! Aba’y magpapahuli ka ba na maging WAIS sa buhay?

Paano maging Team Wais Worldwide? Comment lang kayo ng location nyo at iisa isahin namin kayong i-assist!

Kaya mga distributors ng Team Wais Worldwide, abangers na at alagaan natin ang mga bagong magiging Team Wais!”

(Photo source: Instagram – @mrsnerimiranda)

You must be logged in to post a comment Login

More in News