Connect
To Top

Loisa Andalio at Ronnie Alonte inaming napag-uusapan na ang kasal

Sa isang panayam ay inamin nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte na napag-uusapan na nila ang tungkol sa kanilang kasal. Sa isang online interview kasama si Robi Domingo para sa online show na “Face-Off” ay inamin ni Ronnie na may plano na silang magpakasal ni Loisa.

“Opo napag-uusapan na namin lagi. Gabi gabi namin pinag-uusapan. May plano na po kami” sagot ni Ronnie.

Nag-agree naman si Loisa na nag-eenjoy sila sa kanilang relasyon ni Ronnie ngayon.

“In-e-enjoy namin ‘yong time namin ng kami pa lang but at the same time nag-lu-look forward kami sa future namin, na may gagawin together,” sabi ni Loisa. ““Hindi pa naman very soon, pero may plano na. Hindi kami nagmamadali.” dagdag pa ni Loisa.

Narito ang video:

(Photo source: Instagram – @iamandalioloisa)

You must be logged in to post a comment Login

More in News