Connect
To Top

Kris Aquino nagpadala ng white roses kina Regine and Ogie Alcasid bilang pasasalamat

Ipinakita ni Kris Aquino ang kanyang taos pusong pasasalamat sa mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid nang ang dalawa ay umawit sa Ateneo para sa namayapa niyang Kuya Nonoy Aquino.

Matalik na kaibigan ang pamilya ni Ogie at Regine sa pamilya ni Noynoy – sa katunayan nga ay sina Ogie and Regine ang umwait ng campaign jingle ni Noynoy nang ito ay tumakbong bilang Presidente.

Sa kanyang Instagram ay ipinakita ni Ogie ang mga puting rosas na ipinadala ni Kris, simbolo ng kanyang pagmamahal at pasasalamat.

“Maraming Salamat mareng @krisaquino at sa buong angkan ng mga Aquino sa napakangandang mga bulaklak. God bless you. Our prayers continue for your whole family during this very difficult time.”

(Photo source: Instagram – @ogiealcasid)

You must be logged in to post a comment Login

More in News