Connect
To Top

Kris Aquino malakas pa din ang hatak sa masa; papasok na nga ba sa politika?

Marami ang nakapansin sa lakas ni Kris Aquino sa masa nang ilibing ang kanyang Kuya Noy noong June 26, 2021.

Habang tinatahak nina Kris ang kahabaan ng Katipunan Road sa Quezon City patungong Manila Memorial Park sa Paranaque ay kinawayan ni Kris ang mga nag-aabang sa kanilang convoy.

Napaka-init ng pagsalubong nga masa kay Kris. Kung panonoorin mo nga ang video ay aakalain mong nangangampanya na si Kris sa pagsigaw nito ng ‘Thank you.’ Nagpapasalamat si Kris sa taong bayan sa kanilang suporta at pagmamahal sa dating Pangulo Benigno ‘Noynoy’ Aquino.

Dahil sa nakitang eksena ay nabuhay muli ang usapin kung tatakbo nga ba si Kris sa darating na 2022 election dahil malaki daw ang pag-asang manalo ni Kris.

Narito ang video:

(Photo source: Instagram – @krisaquinoglobal)

You must be logged in to post a comment Login

More in News