Connect
To Top

Kathryn Bernardo sinabing ‘no babies’ muna kapag ikinasal na sila ni Daniel Padilla

Tahasang sinabi ni Kathryn Bernardo na kung siya ang masusunod ay ayaw muna niyang magka-baby kung sakaling ikinasal na sila ni Daniel Padilla. Ang pag-amin na ito ay ginawa ni Kathryn sa kanyang panayam kasama si Robi Domingo.

Ang nais ni Kathryn ay magkaroon muna sila ng oras para sa isat-isa at idinagdag pa niya na no pressure naman na kailangan silang magka-baby agad agad.

“Ayaw ko munang mag-anak kaagad. Kasi gusto ko enjoy muna namin. Hindi kami naka-travel ngayon, so yun ang gagawin.” sabi ni Kathryn.

“Then once I’m ready, once we’re ready, no pressure naman na magba-baby agad after. Iba-iba yung couple, kanya-kanyang time yan. We’re taking it day by day kung ano man ang mangyayari,” dagdag ni Kathryn.

(Photo source: Instagram – @kathrynbernardo)

You must be logged in to post a comment Login

More in News