Connect
To Top

Joey Marquez kabisado ang pangalan ng 16 na anak mula panganay hanggang bunso

Marami ang bumilib kay veteran comedian na si Joey ‘Tsong’ Marquez dahil nabigkas niya ang ang pangalan ng kanyang 16 na anak mula sa iba’t ibang babaeng sa kanyang buhay.

Sa nakaraang episode ng “Tunay na Buhay” ay hinamon si Joey na bigkasin ang mga pangalan ng kanyang 16 na anak in order – mula panganay hanggang bunso.

Buong pagmamalaki na sinabi ni Joey na kabisado niya ang mga pangalan ng lahat ng kanyang mga anak – mula kay JJ, Jeremy, Jesm, Kristine, Jerica, Jerico, Paolo, Jowee Ann, Yeoj, Winwyn, Zia, Vitto, MM, Jazalla, Jacob at kay Joeygy.

Ayon naman kay Winwyn Marquez, walang itinago si Joey sa kanilang magkakapatid at alam nila ang buong katotohanan noong sila ay bata pa.

“We grew up knowing our other siblings. We have a really, really good relationship with each other. Thanks to my dad, of course. And of course, my mom as well,” sabi ni Winwyn.

(Photo source: Instagram – @tsong_marquez)

You must be logged in to post a comment Login

More in News