Connect
To Top

Jessy Mendiola iiwan daw niya si Luis Manzano kapag nambabae ito

Hindi maikakaila na talagang mahal ni Jessy Mendiola ang kanyang asawang si Luis Manzano. Nguni’t gaya ng lahat, sinabi ni Jessy na mayroon isang dahilan na iiwan niya si Luis kung ito ay nambabae.

Ginawa ni Jessy ang statement na ito sa kanyang vlog na kung saan ay sinagot niya ang mga katanungang ibinabato sa kanya ng mga netizens. At isa nga sa mga naitanong sa kanya ay ano ang magiging dahilan o ano kaya ang magagawa ni Luis upang iwan niya ito.

“Siguro pag nambabae siya. Kasi yung paniniwala ko lang, when someone cheats, that’s the end of the relationship.” sagot ni Jessy.

“Hindi ko talaga kaya na ganun. Yeah, you can forgive the person pero babalikan at babalikan kayo nun so hindi ko kaya mag move forward sa relationship kung ganun,” dagdag ni Jessy.

(Photo source: Instagram – @senorita_jessy)

You must be logged in to post a comment Login

More in News