Connect
To Top

“Hindi ako masamang tao” – Jovit Baldivino

Singer Jovit Baldivino issued another statement in connection to his breakup with Shara Chavez. The couple decided to call it quits after Jovit allegedly have another woman in life as claimed by Shara on her Facebook page.

On his Facebook page, Jovit posted the following statement:

==========

Related Stories:

Jovit Baldivino speaks up on breakup with Shara Chavez

Jovit Baldivino breaks up with girlfriend Shara Chavez

Jovit Baldivino denies breakup rumors

==========

“Kalmado lang kami lahat, Family ko Relatives ko mga kaibigan ko, kasi ayaw namin na mas lalo pang lumaki yan, at ayaw din namin magsalita ng masasakit na bagay sa mga taong mapanghusga, basta andito pa din ako nakatayo at paninindigan ko, namin, na wala kaming ginawang masama,

oo minsan nagkamali ako, nagsisi, pero pinilit kong ibangon ang lahat ng bagay na nagkulang ako, kasi hindi ako masamang tao alam ng karamihan yan, pero kung naniniwala kayo sa bagay na yan, wala naman ako magagawa kasi hindi ko naman po hawak ang mga pagiisip nyo, kayo naman din po ang dahilan kung bakit ako nabubuhay at kung bakit ako andito sa kung ano man ako ngayon, at kayo din ang nagsabi na wag kang magbabago sana laging nakatapak ang paa sa lupa, at wag masyado snobero sa fans at sa lumalapit para humingi ng tulong, kahit kelan hindi ko po nagawang magdamot sa mga bagay na yan,,

masaya ako sa ipinahiram na talento sa akin ni god, at masaya din ako na pinasasaya ko kayo bawat pagtatanghal ko sa entablado, pero ito lang ang masasabi ko sa inyo, magisip muna kayo bago kayo manghusga kasi hindi po kayo ang batas para husgahan ako ng ganun ganun na lang, Maraming Salamat po inyong lahat na patuloy na naniniwala at nagmamahal sa akin,, God Bless always,,”

(Photo source: Facebook – @Jovit Baldivino)

You must be logged in to post a comment Login

More in News